Friday, 1 August 2014

                                             PAGKA-PILIPINO !!


Mga bagay-bagay tungkol sa ating KULTURA, PANINIWALA at PAGPAPAHALAGA sa pagiging mamamayang ng ating bansa.



KULTURA.

Ang kultura ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan.




halimbawa nalang ng:

PAGDIRIWANG NG PISTA



Isa lamang ang pista sa mga tradisyong nakaugalian na ng mga Filipino bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop ng bansa bilang pag-alaala at pasasalamat sa diyos ng kalikasan at espiritu ng kani-kaniyang mga ninuno. Ngunit sa paglipas ng panahon, naging bahagi na rin ng pagdiriwang ang ilang sa mga kaugalian at paniniwala ng mga Espanyol-- na siyang may pinakamalaking kontribusyon sa kulturang Pilipinas.

Karaniwang nagaganap tuwing pista ang iba't ibang palaro at paligsahan. Ilan sa mga larong Filipino na kinaaaliwan tuwing pista ay ang palosebopukpok palayokagawang buko, at habulang baboy.
Marami ang naghihintay upang masaksihan ang taunang street dancing o paligsahan ng sabayang pagsasayaw sa kalsada ng mga distrito o paaralan. Sa gabi karaniwang ginaganap ang timpalak ng kagandahan at timpalak ng pagkanta. Ang ibang kapistahan naman ay nagtatampok ng kamangha-manghang fireworks display.

Isa sa pinakatampok tuwing pista ang mga salo-salo o handaan. Pinakatanyag na pagkaing inihahanda rito ang lechon. Karaniwang din ang laman ng hapag-kainan ang iba't ibang putahe tulad nghamonadorellenokalderetaadobomenudopaellapochero, at pansit. Maliban dito, mayroon ding ilang masasarap na panghimagas tulad ng halayang ubeleche flangelatinbuko pandan, at fruit salad.


SIMABANG GABI


Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o "misa ng tandang", sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya), Misa Aginaldo (mula sa Kastilang Misa de Aguinaldo, o "misa ng mga handog, alay o regalo"), Misa-de-notse, o Misa-de-noche (o "misa ng/sa gabi"). Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng Pasko.Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan sa Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga. Ang misa sa madaling araw na ito isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na tradisyong Pilipino. Nagsisilbi rin ang misa bilang isang nobena para sa Birheng Maria. Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo, kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa sa madaling-araw. Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng Simbang Gabi ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang tunay na Misa Aginaldo Misa-de-galyo.



PANINIWALA

Isang bagay na ang isang tao ay naniniwala sa: isang pahayag, prinsipyo o doktrina na tinganggap ng isang tao o grupo bilang katotohanan.


halimbawa nalang ng:

kapag nakakita ka ng itim na pusa, ang ibig sabihin raw nun ay malas.




Kapag daw ay nahulog ang tinidor habang kumakain, may darating daw na bisitang lalaki; kung kutsara naman ay bisitang babae.








PAGPAPAHALAGA

ang pagpapahalaga ay isang paraan ng pagmamalasakit sa kapwa natin. kung walang pagpapahalaga na tinatawag, maari ring walang kaayusan ang buhay dito sa mundo. Dahil ang pagpapahalaga ay isang napakahalagang dapat iapply sa buhay ng bawat isa. 
Ito ang nakakatulong upang mas lalong isaayos ang buhay ng bawat isa saatin. Ito rin ang nakakatulong upang matuto tayong mas lalong pahalagahan ang isang bagay o tao. 


Ang ating pagiging malapit sa isa't isa lalo na loob ng pamilya na tinatawag nilang close family ties. Mahalaga sa bawat Pilipino ang kanilang mga pamilya. Ginagawa lahat ng paraan para mapanatiling maayos ang pamumuhay at relasyon ng pamilya. Ito na marahil ang pinakamahalagang bagay na nagbubuklod sa mga Pilipino. Ang pagkakaisa sa adhikain ng bansa at pagiging "proud" bilang Pilipino ay isa rin.

tulad nalang nito.





No comments:

Post a Comment